MSPCBCPSULYAPINOY
SAMBAYANIHAN
PHIL.EMBASSY (KOREA)EL SHADDAI PRAYER PARTNERSCATHOLIC NEWSPREACHER IN BLUE JEANSVATICAN NEWS
   

Panalong Buslo


Ang pinakahihintay na panghuling laban bilang pagtatapos sa \'\'Ika-11 na Palaro sa Bastketball\'\' ng Hwehwadong Filipino Catholic Community ay idinaos noong nakaraang linggo, ika-16 ng Nobyembre, sa Pomundong Auditorium, kung saan pinarangalan ang mga nagwagi na team at mga manlalaro na nagpamalas ng kakaibang mga katangian.

Ang HFCC ay nagpasimuno ng taunang palaro sa basketball dahil sa mga mahalagang layunin nito. Hindi lang natin hinahangad ang makapagpapawis o makapaghahasa ng kahusayan sa basketball at makapag-uwi ng tropeo. Higit sa lahat, nais nating makapagbuo ng pamayanan ng mga Pilipino na malusog at malayo sa bisyo, nagkaisa at sama samang nagpapamalas ng kagalingang pinoy sa mundo. Pang ika-11 na tournament na itong natapos natin, ngunit malayo pa ang dapat nating lakbayan tungo sa katuparan ng mga layunin na ito.

Sa ngalan ng buong pamayanan, nais kung pasalamatan ang Sports Committee na pinangunahan nina Bro. Moi, Mike, Manny, kasama ang mga namamahala sa table at mga referee. Hindi biro ang ginawa nilang sakripisyo ng sarili para lamang mapanatili ang kasayahan at kaayusan sa palarong ito. Kahanga hanga ang kanilang pagsisikap, tiyaga at pasiyensia.

Para sa labing pitong team na sumali sa palaro, maraming salamat sa inyong marubdob na pakikilahok. Kung wala kayo wala din ang palarong ito. Kayo ang nagbigay ng magandang libangan sa ating mga kababayan na nangungulila sa mga kasayahan sa ating bansa. Kung may mga limitasyon man kaming mga tagapasimuno, at kung may mga desisyon kaming hindi ninyo gaanong ikinatuwa, hinihiling namin ang inyong paumanhin at pang-unawa, at bukas kami sa inyong mga panukala sa lalong ikagaganda ng susunod pang palaro.

Para sa mga nagwagi na team: Mindoro (Champion), Ilocano (2nd), Pangasinan (3rd), Ilonggo (4th), at mga manlalaro na nagtamo ng parangal, ang aming saludo at paghanga sa inyong galing. Ipinamalas ninyo ang kagalingan ng pinoy sa larangan ng basketball. Huwag kayong makalimot magpasalamat sa Panginoon na siyang pinagmulan ng lahat. Sa mga team na hindi nanalo sa palaro na ito, salamat sa ipinakita ninyong sportsmanship, marami pang pagkakataon ang naghihintay.

Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbasbas sa ating lahat at tumulong na gawing masaya at maayos ang ika-11 na palaro. Sa kabila ng mga pagsubok, naidaos natin ng matagumpay ito.

Para sa lahat --- ang sports committee, at mga referee, team manager, coach, manlalaro, sponsor at fans --- MABUHAY KAYONG LAHAT! Magkikita kita tayo muli sa \'\'Ika-12 na Palaro sa Bastketball\'\' ng Hwehwadong Filipino Catholic Community.