Tinanong ko ang ilan nating kababayan
Kung ano ba ang tunay na kahulugan
Ang mahalagang pagdiriwang ng kapaskuhan
Nadama ko ang sagot na may kagalakan.
Nakakamiss ang selebrasyon ng pasko sa atin
Setyembre pa lamang ay pinaghahandaan na natin
At ang pasko ay sama-samang sasalubungin
Bibigyan ng halaga ang araw na importante sa atin.
Pamilya ang sentro ng simpleng kaligayahan
Ito ang sagot ng ating kababayan
Pamilya na hinahanap at ninanais nilang balikan
Upang mainit na yakap ay kanilang maramdaman.
Inaasahan ang kalungkutan sa bawat kababayan
Lalo na sa mga unang taon na mangibang bayan
Ngunit hihiling ko na ito ay lubusang maiwasan
Sapagkat nandyan ang bawat samahang makabayan.
Sa Pasko, walang Pinoy na mag dirirwang na mag-isa
Kahit pagod, pighati o medyo butas man ang bulsa
Pusong pinoy pa rin mangingibabaw kahit nasa Korea
Dahil nakatatak na puso natin ang kaarawan niya.
|