1M Tree Project Patuloy Ang Pag Arangkada

Malvar, Naujan – Patuloy ang pag-arangkada ng 1M Tree Project na isinusulong ng Samahan ng mga Mindorenyo para sa Bayan at Kalikasan o SAMBAYANAN.

Muling tumulak ang grupo na pawang mga taga Naujan at Baco sa malayong barangay ng Malvar sa bayan ng Naujan ika-4 ng Septyembre at namalagi duon ng apat na araw upang ipagpatuloy ang nauna na nilang pagtatanim ng mga punla sa ilalim pa rin ng kanilang 1 Million Tree Project.

Pinangunahan ito nina Jayne Watiwat at Emmanuel Perez kasama ang iba pang mga volunteers na sina Cely Araja, Ruby Ann Garing, Jeffrey Manalo, Maricar Madrigal, Randy Arpia, Vincent Evangelista, Arvin Morillo at Jackson Sales.

Sa loob ng pamamalagi ng grupo kasama ang Batang Naujan ay nakapagpunla ang mga ito ng mahigit sa 50,000 na iba’t ibang uri ng mga fruit-bearing seeds.

Matatandaang bago pa ang nasabing aktibidades, ay may naghatid sa nasabing grupo ng donasyong umaabot sa 500,000 na punla ng bignay.

Nagpapasalamat muli ang grupo sa lahat ng nakiisa sa matagumpay na pagkilos na ito lalo na sa Montero Family na silang nagbigay ng 500,000 bignay seeds.

Pasasalamat din ang hatid ng grupo sa Mabini Elementary School sa pangunguna ni Sir Zaidy Argente, at sa Aurora National High School-Malvar Extension sa pangunguna ni Sir Ferdinand Valdez, kasama rin ang iba pang mga guro na sina Malaya Beulah Oteyza, Limuel Caringal, Lengel Gonito, Mylene Gonito, Vanessa Gloria Curaming, Ronalyn Linubuan, Belinda Tayuan, Gerald Caringal, Johanna Nebreja, Carl Delos Reyes, Jeremy Perez, Hannah Marie Tacud, Raylane Carpio, Miel Kimberly Regatcho, Sheena Lumacad, Randy Perez, Mike Justine Delos Reyes, Jopay Piego, Marina Lalim, at Jonathan Aromin. Gayundin sa mga opisyales ng barangay na nakiisa sa pangununa ni Malvar Brgy. Kapt. Kapitan Jose Delos Reyes, Secretary Marjorie Garcia at BHW President Nerissa Permante.

Pasasalamat pa rin ang hatid sa mga mag-aaral ng nasabing hasykul sa pangunguna ng kanilang council president na si Babylyn Robles kasama pa ang ibang mga opisyales na sina Maria Chin Chin Gutierrez, Jemarie Pediego, Jeizel Anne Evangelista, Jessa Mojica, Jonel Magboo, John Racel Geron at Michael Perez.

Muli namang nananawagan ang grupong SAMBAYANAN sa lahat ng mga konsernadong mamamayan at grupo sa buong Mindoro na ipagpatuloy ang pagtatanim ng puno upang maibsan ang napakalaking banta ng umiiral na climate emergency.

“Patuloy naming inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa panawagan at pagkilos na ito, wag na tayong magpatumpik tumpik, let us all do our share, plant a tree,” panawagan ni Billy Agleron, tagapagsalita ng SAMBAYANAN.

Kung paano makakatulong, inaanyayahan ang lahat na makipag-ugnayan lamang sa kanila sa pamamagitan ng kanilang email na sekretaryat@sambayanan.org.

Maaari ring magtungo sa kanilang website na www.sambayanan.org, o makipag-ugnayan lamang sa kanilang facebook page.

Leave a Reply