Category

News
01
Jun

SAMBAYANAN sa DZSB Spirit FM

Naging panauhin sa programa ng ating kapatid na si Ms. Madonna Virola sa himpilan ng radyo ang grupo kahapon. Sa istasyon ng 104.1 Spirit FM ipinaliwanag ng mga kasama ang ating 1 Million Trees Project sa lahat ng tagapakinig. Dumalo sa naturang proghrama ang ilang mga opisyales ng SAMBAYANAN sa pangunguna ni Mar Bautista, External...
26
May

SAMBAYANAN, Umakyat sa Kabundukan Upang Makapanayam ang mga Katutubo

Matapos ang paunang miting hinggil sa 1 Million Trees Project sa bayan ng Baco, nagtuloy kinabukasan ang grupo sa pangunguna ng Chairperson ng Reforestation Committee na si Mar Bautista sa Sitio Mamalao sa bayan pa rin ng Baco upang makapanayam ang mga kapatid nating katutubo sa nasabing lugar. Isa ang nasabing lugar ang isa sa...
25
May

1 Million Trees Project, Umarangkada Na!

Baco, Oriental Mindoro – Pinasinayaan na ang isa sa apat na pangunahing proyekto ng koalisyong SAMBAYANAN sa isinagawang pagpupulong sa Café De Baco sa bayan ng Baco. Ang pagpupulong ay isinagawa ng Reforestation Committee ng nasabing samahan sa pangunguna nina Mar Bautista ng Concerned Citizens on Organic Promotion and Empowerment (COPE) at ni Bb. Neri...
12
May

Panawagan ng Pagkilos Kontra Mina, Matagumpay na Inilunsad ng SAMBAYANAN!

Curva Landmark, Naujan. Bilang tugon sa panawagan ng pagkilos kontra Mindoro Nickel Mining, matagumpay na inilunsad ng grupong SAMBAYANAN ang pagkilos kahapon Mayo 11. Dahil ang panawagan ay ilulunsad sa huling araw ng campaign period, nagkaroon ng agam-agam ang mga kasapi ng samahan na ang naturang pagkilosd ay magiging pulitikal. Mayo 10, nagpulong ang Lupong...
30
Mar

Ang Simula

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang SAMBAYANAN ay hindi ipinanganak sa iisang magdamag. Pebrero taong 2017, sa ginanap na malawakang pagkilos sa Calapan bilang suporta sa noon ay kalihim ng DENR Gina Lopez, magkakasama na ang grupong Batang Naujan, Laban ng Naujan para sa Kalikasan, at ang Baco Group na pinanungunahan ni Mar Bautista. Bitbit...
01
Mar

Kapayapaan Para sa Lahat, Mga Mapanirang Proyekto Tigilan

Bunga ng mga pangyayari nitong mga nagdaang araw, minarapat naming maglabas ng saloobin at manawagan sa lahat ng mga mamamayan, mga pulahang grupo at sa hanay ng ating kasundaluhan at kapulisan. Ang aming samahan ay naniniwala sa isang mapayapang pamamaraan ng pagsusulong ng kagalingan ng mga mamamayan at kalikasan ng Isla ng Mindoro. Ang karahasan...
24
Feb

Malawakang Koalisyong Pang Kalikasan, Itinatag sa Lalawigan

Umabot sa 27 mga organizasyon mula sa iba’t ibang bayan, at mula sa hanay ng iba’t ibang sektor ng lalawigan ng Oriental Mindoro ang nagsama-sama nitong nakaraang Linggo Pebrero 24 at pormal nang itinatag ang Samahan ng mga Mindorenyo para sa Bayan at Kalikasan o SAMBAYANAN. Matatandaang nung Enero 5, nauna nang nagsama sama ang...
05
Jan

Upang Ipagtanggol ang Kalikasan, Isinilang ang SAMBAYANAN

Calapan City. – Dahil kailangan nang pagbigkisin ang lahat ng mga organisadong grupo para sa ating mga hinaharap na suliranin sa probinsya, nagsasama sama ngayong araw ang iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang bayan at sector upang magkaisa para sa kalikasan. Sa naunang pahayag ng grupong Batang Naujan matapos ng malawakang pagbaha dala ng...