
Calapan City – Patuloy ang pagsasagawa ng mga Tree Planting Activities ng iba’t organisadong grupo sa tatlong bayan bilang pakikiisa pa rin sa 1 Million Tree Project ng Samahan ng mga Mindorenyo para sa Bayan at kalikasan (SAMBAYANAN).
Matapos ang pagkilos sa pagtatanim ng vetiver grass kamakailan, sinundan naman ito magkakasabay na pagtatanim sa tatlong bayan ng Oriental Mindoro.
Ika-9 ng Nobyembre ng halos sabay sabay na nagtanim ang iba’t ibang mga grupo na kasapi ng SAMBAYAN sa syudad ng Calapan, at bayan ng Baco at Puerto Galera.
Sa syudad ng Calapan. sama samang nakipagtulungan sa SAMBAYANAN ang grupo ng Bangon Mindoro, Tau Gammma Phi-DWCC Chapter, Madapakas Mountaineers, Divine Mercy Chaplaincy Youth Ministry at Baruyan Volunteers Action Team. Habang nakapagtanim ang mga ito ng halos 500 na punla, nakapagtanim naman ang grupo ng SAMBAYANAN sa Bayan ng Baco at Puerto Galera ng 6,000 mga punla ng Lakatan.
Nagpapasalamat naman ang grupo kina Harlene Bautiusta, Patrisha Tronco, Chon Tristan, Russell Calderon, Jheanlee jhasfer Rivera, at Eugene Matibag ng Tau Gamma Phi – DWCC Chapter, Mark Niño Barcelona, Jamaica Dipasupil, Lynmae Saballo, Mercylyn Adeva, at Carlos Miguel Diaz ng Divine Mercy Chaplaincy Youth Ministry, Aldwin Usam, Dave Rius, Manrique Ric Detera ng Bangon Mindoro, President Noli Domingo ng Baruyan Volunteers Action Team at Marvin Ylagan ng Madapakas Mountaineers.
Bukod sa mga grupong nakiisa, nagpapasalamat din ang grupo kay Mr. Rudy Carticiano na syang nagpahiram ng lupa upang magamit na nursery site.
Lubos lubos pa rin ang pasasalamat ng grupo sa napakainit at mas dumadami pang suporta ng ibang grupo sa kanilang 1 Million Tree Project at inaasahan pang sumunod ang iba pang bayan na may kasapi at tagasuporta ang koalisyon.
Patuloy pa rin ang panawagan ng grupong SAMBAYANAN sa lahat ng mga Mindorenyo na patuloy na magtanim sa kabila ng umiirtal na climate emergency.
“SAMBAYANAN ka man o hindi, sama-sama po tayo dahil at the end of the day, lahat tayo apektado,” ani Billy Agleron, tagapagsalita ng SAMBAYANAN.
Sa mga nais tumulong, mangyaring makibalita sa sa kanilang FB Page o Website kung saan may nagtalaga ang grupo ng webpage kung saan makikita ang aktwal na bilang ng mga naitanim at iba pang mga makabuluhang updates na matatagpuan sa SAMBAYANAN.ORG/PUNOANGSAGOT.