
Nakipag-ugnayan ang grupo ng Karapatan Southern Tagalong kamakailan sa grupong Samahan ng mga Mindorenyo para sa Bayan at Kalikasan (SAMBAYANAN) sa kanilang tumatayong himpilan sa Batang Naujan Center sa bayan ng Naujan.
Hapon ng ika-8 ng Hulyo ng makipag-panayam ang nasabing human rights group sa Sambayanan matapos naman itong umikot at mag courtesy call sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Matatandaang nasa lalawigan ang Karapatan hinggil sa sunod sunod na bakbakan ng militar at mga rebelde.
Nakipag-ugnayan ang nasabing grupo kay Ross Delgado, tagapangulo ng
Sambayanan, matapos makita ng nasabing human rights group na ang SAMBAYANAN ang unang-unang sumugod at nagdala ng panandaliang tulong sa mga mahigit 100 mga bakwit sa Brgy. San Cristobal sa bayan ng Victoria.
Mainit namang tinanggap ni Jayne Watiwat, Pangkalahatang Kalihim ng
SAMBAYANAN ang contingent ng mga ito. Kinumusta nila ang kalagayan ng mga nasabing bakwit na ang iba ay hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan magpa hanggang ngayon. Nais nilang maseguro na ang karapatang pantao ng mamamayan lalo na ng mga katutubong Mangyan ay
hindi naisasantabi.
Naging maayos ang pag-uusap ng dalawang grupo at nangako sa isa’t isa na
magtutulungan para sa kapakanan ng karapatan ng mga mamamayan, lalu na yung mga naiipit sa digmaan.
Nais namang humingi ng paumanhin ng grupong SAMBAYANAN sa ibang mga nasa pamahalaan hinggil sa paghahatid nito ng agarang tulong sa mga bakwit na nasa evacuation center sa Victoria.
“Agarang tulong ang nais naming ihatid sa mga kababayan nating Mangyan na naiipit, huwag naman sana itong masamain ng ilang mga nasa pamahalaan,” ani Ross Delgado.
Idinagdag pa nito na dahil ito naman ay hatid tulong at agaran, hindi na nila obligasyon pa ang magpaalam sa mga pulitiko.