SAMBAYANAN at Governor Dolor Nagkaisa Para sa Kalikasan

Nagkaisa ang grupong Samahan ng mga Mindorenyo Para sa Bayan at Kalikasan (SAMBAYANAN) at ang bagong gobernador ng lalawigan na si Humerlito “Bonz” Dolor upang ipagtanggol ang kalikasan ng Isla ng Mindoro.

Nagsadya sa kapitolyo kahapon ika-3 ng Hulyo ang sasabing grupo upang igiit ang kanilang mga panawagan para upang ire-organisa ang Provincial Environmental Council at ang ipahinto pansamantala ang lahat ng mga proyektong mapaminsala sa kalikasan sa buong lalawigan at
idaan ang mga ito sa panibagong pagsusuri.

Ayon sa nasabing grupo, ito ay upang maseguro na dumaan ang mga ito sa tamang proseso at mailinaw kung ito ay tunay na katanggap-tangggap sa mga mamamayan.

Sa pangunguna ni Mar Bautista, Pangalawang Tagapangulong Panlabas at Jayne Watiwat, Pangkalahatang Kalihim, iprinisinta rin ng nasabing samahan ang Apat na Major Projects nito gaya ng 1 Million Trees Project, ang pagpapasa ng ordinansa sa lalawigan na ipagbawal ang mga Single-Use Plastics, pagpo promote ng Organic Farming at ang pagsasagawa ng isang sinserong Flood Summit upang masolusyunan ang problema ng malawakang pagbaha.

Kasama rin sa mga nagsidalo sa nasabing pulong ay sina Former Provincial Agriculturist Petronilo Dimailig, Pastor Joeffrey Landicho, Eleanor Evangelista, Edilberto Evangelista at Rebecca Atienza ng Kalinga Puerto Galera, Emy Solas at Jhie Dimapilis ng Malamig Concerned Citizens, Edgar De Luna ng STOORRM, Billy Agleron ng Bangon Mindoro, Arvin Morillo ng Happy Farmers, Ruby Garing, Veejay Canarias at Benjie Garing ng Sangguniang Kabataan, at Emmanuel Perez ng Batang Naujan.

Matatandaang ilang mga proyekto sa lalawigan ang matagal ng kinukwestyon ng nasabing samahan. Narito ang patuloy na isyu ng pagmimina, ang operasyon ng Sta.Clara Hydro, ang hindi pa rin na kakasela na kontrata ng Montelago Geothermal, mga naging epekto sa watershed ng
Puerto Galera Windmill Project, ang mapaminsalang quarrying operation PMI sa Brgy. Malamig, Gloria, at iba pa.

Naging mainit ang pagtanggap ng nasabing opisyal sa SAMBAYANAN. Habang nagpupulong ay ipinapatawag nya ang mga konsernadong ahensya sa mga isyung bitbit ng grupo upang kagyat na mapag usapan. Ipinangako din nyang tutugunan ang lahat ng isyung bitbit ng samahan dahil isa ang mga ito sa kanyang ipinangako nuong nagdaang halalan.

Katunayan aniya ay ipinag-utos na nyang ipasasara ipapasara ang lahat ng mga iligal na proyekto sa lalawigan. Gagawan din nya ng paraan na magkaroon ng malinaw na implementasyon sa usapin ng pagbabawal sa mga single-use plastics dahil may mga batas na umano ang mga bayan
para rito.

Sa usapin naman ng 1M Trees Project, nangako naman ang gobernador na itutulay nito ang grupo sa iba pang mga ahensya na makakatulong sa nasabing programa ng SAMBAYANAN. Sa puntong ito, ipinatawag nito ang isang kawani ng Agriculture Office na maghanda ng 1000 seedlings ng lansones upang kagyat na makatulong.

Sa usapin ng mga malawakang pagbaha, mahaba haba umano ang prosesong dadaanan ng lalawigan upang masulusyunan ito. Subalit nakahanda itong magpatawag ng mga pulong upang sama-sama itong mahanapan ng solusyon. Pansamantala ay naghahanda na umano ang
pamahalaan ng iba pang mga dredging machines upang makabawas sa nakaambang mga pagbaha.

Agaran naman nyang ipinag-utos na rebisahin ang quarring project na nagaganap sa Malamig, Gloria bunsod na rin sa panawagan ng samahan. At gaya ng nauna na nyang pahayag, binibigyan nito ng 30 araw ang PENRO upang mag imbentaryo ng lahat ng mga quarrying operations at hulihin ang lahat ng mga iligal na nago-operate ng mga quarry at nagmimina.

Sa bandang huli naman ay iniimbitahan muli ni Governor Dolor ang grupo na magkaroon ng pagkakataong makapagusap sa kanya ng mas mahaba at mas malalaim na pulong upang mas maisa konkreto ang mga balakin ng samahan sa pagtatanggol ng kalikasan.

Malinaw ang kanyang tugon, ang kanyang admisnistrasyon ay kaisa ng SAMBAYANAN upang Ipagtanggol ang Kalikasan.

Leave a Reply