SAMBAYANAN, Umakyat sa Kabundukan Upang Makapanayam ang mga Katutubo

Matapos ang paunang miting hinggil sa 1 Million Trees Project sa bayan ng Baco, nagtuloy kinabukasan ang grupo sa pangunguna ng Chairperson ng Reforestation Committee na si Mar Bautista sa Sitio Mamalao sa bayan pa rin ng Baco upang makapanayam ang mga kapatid nating katutubo sa nasabing lugar.

Isa ang nasabing lugar ang isa sa napiling pagtatayuan ng magiging nursery ng mga itatanim na mga puno sa mga karatig na lugar.

Ipinaliwanag ng grupo ang kahalagahan ng mga puno sa ating pangkalahatang kinabukasan at kabuhayan.

Namahagi din ng mga de lata para sa mga katutubo at higit sa lahat ay ang mga seedlings ng mga gulay na maaari nilang itanim sa kanilang mga bakuran na nanggaling naman sa Dept. of Agriculture.

Umaasa ang lahat na ito na ang magiging simula ng mas mahaba pang pakikipagtulungan ng mga katutubong Mangyan sa nasabing lugar sa mga adhikain ng SAMBAYANAN para sa kalikasan ng Mindoro.

Nakahanda ring maging tagapag-ugnay ang SAMBAYANAN upang magkaroon ng iba pang alternatibong kabuhayan ang mga naroroon.

Related Posts

Leave a Reply

Banta sa Kalikasan

Umugnay