Malawakang Koalisyong Pang Kalikasan, Itinatag sa Lalawigan

Umabot sa 27 mga organizasyon mula sa iba’t ibang bayan, at mula sa hanay ng iba’t ibang sektor ng lalawigan ng Oriental Mindoro ang nagsama-sama nitong nakaraang Linggo Pebrero 24 at pormal nang itinatag ang Samahan ng mga Mindorenyo para sa Bayan at Kalikasan o SAMBAYANAN.

Matatandaang nung Enero 5, nauna nang nagsama sama ang mga nasabing grupo upang pag-usapan ang mga isyung kihakaharap ng Mindoro sa usapin ng kalikasan. Base sa mga napagkasunduan ng naunang pulong, nagkaroon ng core group at secretariat na syang bumalangkas at nagplano ng kauna-unahang General Assembly at Araw ng Pagkakatatag.
Naging napakamakabuluhan ang nasabing assembly, dahil na rin sa pagdalo mga inaasahang mga organisasyon at mga delegado nito. Umaabot sa may 100 mga indibidwal an dumalo sa nasabing pagpupulong kasama na ang ilang mga volunteers, mga delegado at mga observers mula sa hanay ng media at iba pang organisasyon.

Bukod sa pagkaka-ratipika ng kanilang Saligang Batas, nagkaroon na rin halalan at pormal na opisyales ang nasabing samahan. Sa Lupong Tagapamahala ang nahalal ay sina Ross Delgado bilang Tagapangulo, si Joel De Veyra bilang Pangalawang Tagapangulong Internal, si Mar Bautista bilang Pangalawang Pangulong Eksternal, Jayne Watiwat bilang Pangalahatang Kalihim at Eleanor Evangelista bilang Tagasuri.

Naghalal din ang samahan ng 11 myembro ng Lupong Tagapag-ugnay na sina Ding Landicho, Ely Vargas, Josephine Mirrales, Billy Agleron, Neri Fontanilla, Virgilio Bunsoy, Leonides Gelena, Donna Pascua, Rod Bermudez at Benjie Garing.

Ang mga organisasyon na pormal na bumbuo ng SAMBAYANAN ay ang mga sumusunod: Association of Regional Mimaropa Supervisors (ARMS), Batang Naujan, Bantay Mindoro, Bangon Mindoro, Batang Lalao, Bantay Dagat Baco, Bigkis-Maralita-Kanlurang Mindoro, Christian Witness and Service (CWS), Concerned Citizens on Organic Promotion and Empowerment (COPE), Happy Farmers Cooperative, KalingaPG, Kubayi, Inc., Local Council of Women, Laban ng Naujan Para sa Kalikasan, Makabagong Magsasaka ng Nipa at Niyog ng Parang (MANIPA), Malamig Concerned Citizens, Mayabig Baco Irrigators Association, Oriental Mindoro Dog Owners Association (OMDOA), Oriental Mindoro Initiatives for Sustainable Agriculture and Development (ORMISAD), Puerto Galera Business and Tourism Enterprises, Inc. (PGBTEA), Puerto Galera Mangroves Conservation, Salay Burbuli, Samahang Tawid-Dagat ng mg Tsuper at Operators sa Oriental Mindoro, Inc. (STTORRM), Samahang Pangkabuhayan ng Iligan (SPI), SK of Brgy. Pinagsabangan 1, Youth for Peace Advocacy Movement, Inc. (YPAM) at Teacher’s Dignity Coalition (TDC- OrMin).


Sa isang maksaysayang araw na ito, inilahad ng halal na Tagapangulo ng SAMBAYANAN na si Ross Delgado ang pasasalamat sa lahat ng mga nagsidalo at nagbigay ng oras upang maitatag ang nasabing samahan na naglalayong pagbigkisin hindi lamang ang mga organisasyon sa lalawigan ng Oriental Mindoro kundi ang buong Isla ng Mindoro upang magkaroon ng iisang boses ang mga organisadong grupo sa isyu ng pagtatanggol at pangangalaga sa kalikasan ng buong isla.

Inilahad nito ang 4 na pangunahing punto na nais nilang agarang isagawa:
1) Ang Magtanin ng 1 Milyong puno sa Isla ng Mindoro sa loob ng dalawang taon,
2) Ang Magsagawa ng Massive Educational Awareness at lobbying sa mga local at probinsyang pamahalaan na ipagbawal ang single-use plastics at ipatupad ito,
3) Ang magkaroon ng Massive Training and Awareness Campaign sa kahalagahan ng organic farming,
4) Ang mag-organisa at magpatawag ng Sinserong Flood Summit kasama ang lahat ng stakeholders at mga concerned government agencies.

Sa panghuli, nagkaroon ng Pledges of Commitments ang bawat isang delegadong naroroon sa kanilang mga pagnanais at kahandaang iambag para sa pagpapalaganap ng ga adhikain ng bagong tatag na SAMBAYANAN.

Related Posts

Leave a Reply

Banta sa Kalikasan

Umugnay